Vitamins Pampataba: Kailangan Bang Bumili Nito Sa Botika Para Tumaba? Ang mga bata ay kadalasang mapili sa mga pagkain.
Hindi mo masasabi kung kakainin ba nila ang iyong ihinanda o hindi. Ang mga batang nasa isa hanggang apat na taong gulang ay kasalukuyang nag dedevelop ng kanilang mga gusto na kadalasang nakaaapekto sa gana nila sa pagkain. Gamot Sa Acidic: Mga Pagbabagong Dapat Mong Gawin, Gamot Na Dapat Mong Inumin. Karamihan sa mga Pinoy ay nakaranas nang maging acidic.
Ang pagiging acidic o hyperacidity ay isang problema hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Ano ng aba ang dahilan ng pagiging acidic? Ano ba ang gamot sa acidic? Paano ba ito maiiwasan? Pampalakas ng Regla: Mga Tips Para Maging Regular at Malakas Ang Regla. Kung ang regla mo ay mahina at irregular, hindi ka nag-iisa!
Isa ka sa libo libong Pinay na nahihirapang magkaroon ng regular na buwanang dalaw at lubhang interesadong pagusapan ang paksang ito. Pag-uusapan natin ngayon ang mga paraan upang maisaayos mo ang iyong mahina at irregular na buwanang dalaw. Kung mahina ang iyong regla, malamang na hindi ka nakikinabang sa magagandang epekto ng pagtaas ng hormone na estrogen.
Ang punto na kung saan napakataas ng level ng estrogen ay mga araw bago ka sumapit sa ovulation, ang yugto na kung saan ang iyong itlog ay handa na sa posibleng pertilisasyon at naghihintay ng semilya ng lalaki. Kung ikaw ay may siklong 28 araw, ang ovulation ay maaaring maganap 12 hanggang 16 araw matapos ang unang araw ng regla. Mabisang Halamang Gamot Sa Pigsa. Ang pigsa ay isang maliit, matigas at masakit na mapula-pulang bukol sa balat na unti unting nagiging malambok, malaki at napakasakit na bukol na puno ng nana.
Ang pagkakaroon ng impeksyon na sanhi ng bakteriya ay siyang pangunahing dahilan ng pagtubo ng pigsa sa mukha, leeg, kilikili, balikat at puwet. Ang pigsang tumubo sa talukap ng iyong mata ay tinatawag na kuliti. Ang kawalan ng tamang nutrisyon at tamang kalinisan sa katawan pati na ang pagkahantad sa mapanganib na mga kemikal ay ilan lamang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng pigsa. Kung ikaw ay may sakit sa immune system o kaya naman ay diabetes, ikaw ay madalas na magkaroon ng pigsa. Halamang Gamot Sa Sakit Ng Tiyan: Lunas Kapag Masakit Ang Sikmura.
Ang sakit ng tiyan ay isa mga sakit na mahirap na hanapan ng natural na lunas.
Bakit? Kailangan mo munang hanapin ang pinaka sanhi ng pananakit ng sikmura bago ka magdisisyon kung anong halamang gamot ang iyong pwedeng subukan. 10 Halamang Gamot Na Aprobado ng DOH. Ang paggamit ng tradisyonal na mga pamamaraan ng paggamot ay bahagi na mga sibilisasyon na nauna sa atin, matagal na panahon bago pang matutong magsulat ang sinaunang mga tao.
Ito ay isang mahalagang bahagi ng ebolusyon ng tao. Kung wala ang tradisyonal na pamamaraan ng paggamit ng mga halamang gamot, pwedeng sabihin na matagal na sanang wala sa mundo ang uring tao. Ang mga Pilipino ay may sarili ding pamamaraan ng tradisyonal na panggagamot gamit ang mga halaman bago pa man dumating ang mga mananakop. Ang ebolusyon ng paggamit ng mga halamang gamot ng mga Pinoy ay naimpluwensiyahan ng kanilang masidhing pananampalataya sa relihiyon, mahika, mga pamahiin, at nang kanluraning kaalaman tungkol sa panggagamot. Mga Halamang Gamot At Mga Gamit Nito. Kahit nasaan ka man sa mundo, palagi kang makakakuha ng mga halamang gamot na maaari mong alagaan at paramihin para magamit bilang lunas sa iyong mga karamdaman.
Karamihan sa mga halamang gamot na ito ay pangkaraniwan at madalas na makita sa mga hardin ng iyong mga kapitbahay. Dahil sa modernisasyon sa larangan ng siyensia at medisina, natuklasan ng mga dalubhasa ang nakakatakot na mga epekto ng pag inom ng sintetikong mga gamot. Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga tao sa ngayon ay para bang nahuhumaling sa pag hahanap at paggamit ng halamang medisinal. Bilang resulta, ang malalaking korporasyon na gumagawa ng mga gamot ay nakaisip ng paraan upang higit na kumita: gumawa sila ng mga naka bote at ready-made na mga gamot na yari sa mga halamang medisinal.
Dito sa Pilipinas, ang paggamit ng mga halamang gamot ay bahagi na ng ating kultura kaya’t hindi nakapagtataka kung napunta ka sa website na ito dahil sa pag hahanap ng natural na lunas sa iyong karamdaman. Gamot sa Sakit ng Tiyan: Mga Sanhi at Lunas sa Sakit ng Tiyan. Halos lahat tayo ay nakaranas na o makakaranas ng pagsakit ng tiyan.
Ang mga Pinoy ay mahilig kumain, kaya naman, tayo ay mas madalas na dumaing sakit ng sikmura hindi ba? Karamihan sa mga sahi ng pananakit ng tiyan ay hindi gaanong seryoso, madaling matukoy ang sanhi at mabilis na magagamot kahit nasa bahay lamang. Mga Halamang Gamot. Pagpaplano ng Pamilya, Pagbubuntis, Panganganak. Mga-sakit.com - Sakit, Gamot at Kalusugan. Mataba Ako! - Paano magpapayat o magpataba?